Abra at ilang bahagi ng Northern Luzon niyanig ng 5.3 na lindol

Niyanig ng magnitude 5.3 na lindol ang bayan ng Boliney sa lalawigan ng Abra kahapon ng hapon ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Phivolcs.

Naitala ng Phivolcs ang sentro ng lindol sa layong 5 kilometro  sa hilagang silangan ng Boliney dakong 5:06 ng hapon kahapon.

Read More:  Tolosa says impeachment conviction could bar Sara Duterte from 2028 race

Tectonic ang pinagmulan ng lindol at may 45 kilometrong lalim na posibleng magdulot ng pinsala at aftershocks.

Read More:  Remulla confirms Atong Ang has left Philippines

Naramdaman din ang Intensity 4 sa Banayoyo, Ilocos Sur,  Intensity 3 naman sa Baguio City at intensity 1 sa Pasuquin sa Ilocos Norte.

Ang pagyanig ay dulot ng paggalaw ng fault line malapit sa naturang lugar.//CA