Inaprubahan ng Department of Justice ang pagsasampa ng kaso laban sa tatlong pulis na sangkot sa pagkidnap sa isa sa 34 na nawawalang sabungeros noong 2021.
Tinukoy ng DOJ ang mga sasampahan ng kaso sa pagkidnap kay Ricardo Lasco noong Agosto 30, 2021 bilang sina Police Staff Sergeant Daryl G. Paghangaan , Patrolmen Roy M. Navarete at Rigel S. Brosas.

Ang mga kaso laban sa kanila ay isasampa sa regional trial court sa San Pablo City sa Laguna.
Sa isang pahayag sinabi ng DOJ na sa isinagawang imbestigasyon, ang Investigating panel ay nakakita ng probable cause laban sa mga respondents para sa pagnanakaw at pagkidnap kay Lasco.
Sa isinagawang imbestigasyon ng task group, sinabi ng DOJ na pinakita sa mga nagrereklamo ang ilang larawan ng mga lalaki, kabilang dito ang mga respondents at kabilang sa mga natukoy ay sina Paghangan, Navarete at Brosas.//CA