Abaca fiber products na gawa ng mga organisasyon sa Presentacion, Camarines Sur itinampok sa 2023 National Fibercrops Summit

CAMARINES SUR – Itinampok sa isang exhibit kaugnay ng 2023 National Fibercrops Summit ng Department of Agriculture at Philippine Fiber Industry Development Authority (PhilFIDA) ang Abaca Fiber Products na gawa ng Buklod ng mga Kababaihan at iba pang organisasyon mula sa bayan ng Presentacion, Camarines Sur.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Highlight sa exhibit maliban sa Christmas Decorations na gawa sa abaca fiber, ang mga walis-tambo na imbis na plastic ang nagsisilbing pantahi ay mga hibla ng abaca. 

Ayon kay Ebenezer Presentacion, ang Center Manager ng LGU Presentacion Pasalubong Center, mas matibay at naiiba ang kanilang ‘innovative version’ ng walis-tambo dahil mga makabagong disenyo nito.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Samantala, sa darating na ika-2 at 3 ng Disyembre, ibibida rin ng nasabing grupo ang kanilang iba’t-ibang hand-made products mula sa abaca fiber at rattan sa KADIWA ng Pangulo sa Malacañang.