Van na puno ng ice cream, ninakaw sa Cavite

Ninakaw ng hindi pa nakikilalang suspek ang isang refrigerated van na puno ng mga ice cream tubs na nakaparada sa cold storage warehouse sa Barangay Maderan, Gen. Mariano Alvarez, Cavite.

Ayon sa Cavite Municipal Police Station, pinasok ng magnanakaw ang gusali ng Orient Cold Storage INC (OSCI) bandang alas-3:35 ng madaling araw noong Lunes.

Read More:  Kabankalan SP questions proposed festival funds, seeks accounting of past spending

Nakita umano nitong nakaparada ang Mitsubishi L300 van na may plate number DAZ-6492 at naglalaman ng mga ice cream tubs.

Nagawa umanong makapasok sa loob ng sasakyan ang suspek hanggang sa minaneho niya ito palabas sa compound ng storage facility.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Kinaumagahan na ng madiskubre ng mga empleyado na wala na ang van na may lamang ice cream na nakatakda sanang i-deliver.

Iniimbestigahan na ng mga awtoridad kung may inside job sa naturang insidente o sadyang tinarget ng magnanakaw ang mga lamang ice cream ng van.