PAGASA, ni-lift na ang mga wind signals sa bansa re: #FloritaPH

Tuluyan na ngang nakalabas ng Philippine Area of Responsibility ang Severe Tropical Storm #FloritaPH.

Ayon sa PAGASA, huli itong namataan sa layong 490 kilometers kanluran ng Calayan, Cagayan.

Bahagya pa itong luumakas habang kumikilos pa-kanluran hilagang-kanluran sa Southern China.

Sa ngayon, ni-lift na ang lahat ng mga tropical cyclone wind signal sa ano mang bahagi ng bansa.

Read More:  Gatchalian says online memes over impeachment seating hurt

Tanging Habagat na lamang o Southwest Monsoon ang magdudulot ng mga pag-ulan sa bansa.

Bagamat nakalabas na ang Bagyo, patuloy pa rin kasing pinalalakas ng Florita ang umiiral na Habagat.

Dahil dito, asahan pa rin ang bahagya hanggang sa minsanang malalakas na pag-ulan sa bahagi ng Ilocos Region, Zambales, Bataan, Occidental Mindoro at sa Northern Palawan.

Read More:  COVID-19 cases in the Ph down 70% compared to last year

Sa kasalukuyan, wala pang namo-monitor na sama ng panahon o namumuong Low Pressuire Area sa loob ng PAR.

Ibig-sabihin, asahan ang maaliwalas na panahon sa susunod na dalawan hanggang tatlong araw hanggang sa weekend.

Sa kabila nito, posible pa rin ang mga kalat-kalat na pag-ulan pagdating ng hapon o gabi dulot ng mga localized thunderstorms.
#