Nakuha ng Education Department ang pinakamalaking alokasyon batay sa 2023 National Expenditure Program na ipinasa ng Department of Budget sa Kamara.
Sa budget proposal ng DBM, P852.8-Billion ang inilaan nito sa edukasyon mas mataas sa 788.5 na pondo nito noong nakaraang taon.
Kabilang naman sa top 5 priority sectors ng Marcos Administration para sa susunod na taon ay ang infrastructure sa DPWH na may P718.4 – Billion, Health sector na may 296.3 billion pesos, DSWD na may 197-billion pesos at Agriculture sector na may 132.2-billion pesos.
Ayon kay DBM Secretary Amenah F. Pangandaman ang 2023 budget ay mas mataas ng 4.9 % kumpara sa nakalipas na taon at 22.2% ng GDP ng Pilipinas.
Dagdag pa ng kalihim na ang pambansang pondo ay isang ‘pro-active budget’ na ramdam ng mga tao.
Sinabi ni Pangandaman na ang naturang budget ay ibinase para mapalakas ang ‘purchasing power’ ng mga Filipino, mapababa ang kanilang kahinaan, mapatatag ang macroeconomics fundamentals at mapalakas ang mga LGUS.
