Barangay Hall dinagsa ng mga humingi ng certificate of indigency para sa educational assistance ng DSWD

NAGA CITY – Dumagsa at nagkaroon ng mahabang pila sa ilang mga barangay hall sa Naga City kahapon, para makahingi ng indigency certificate na gagamitin sa pag-avail ng bagong cash assistance na ibibigay ng Department of Social Welfare and Development.

Ang mga sumugod sa barangay hall ay mga magulang at mga estudyante na hangad mabigyan ng suporta pinansiyal sa pag-aaral nila.

Read More:  ₱2.2-M shabu seized; ex-police, seaman among 5 arrested in Iloilo

Isa sa nakaranas nito ay si Cararayan Punong Barangay Rodrigo Agravante Jr.

Sa kanyang pahayag sa Brigada News FM Naga, sinabi nitong nagulat siya dahil sa marami ang nagsadya sa kanyang opisina.

Read More:  1,000 families affected as major fire hits Agdao, Davao City

Ayon kay Agravante, wala siyang magawa kundi bigyan ang mga ito ng hinihingi nilang indigency certificate  subalit naroon ang agam-agam niya na baka hindi ito totoo.

Wala kasing abiso sa kanya ang City Social Welfare and Development Office hinggil sa pagpa release ng naturang pondo kaya nagdalawang isip.