Ice Seguerra, nilinaw na buhay pa siya, matapos ipost ang kanyang black-and-white photo

Nilinaw ng singer-songwriter na si Ice Seguerra sa kanyang followers na buhay pa siya, matapos umani ng iba’t ibang reaksiyon mula sa mga netizens ang in-upload niyang black-and-white photo sa Instagram noong August 11, 2022.

Natakot at kinabahan kasi ang ilang netizens sa na-upload na larawan at inakalang may masamang nangyari sa kanya.

Read More:  Mikee Quintos and Paul Salas on good terms after their breakup

Sa isang Facebook post ni Ice noong August 12, 2022, muling ibinahagi nito ang kanyang black-and-white photo kalakip ang screenshots mula sa reaksiyon ng mga netizen.

Read More:  Maris Racal spotted again with rumored non-showbiz boyfriend

Ayon sa singer sa kanyang caption “Ang hirap pala mag post ng black and white photo sa IG. May phobia na mga tao.”

Kadalasan kasing ginagamit ang black-and-white photo kapag may mga celebrity o ordinaryong tao na pumapanaw.