Umabot sa mahigit walumpung libong tilapia fingerlings ang pinakawalan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Region 3 sa Almacen River sa Hermosa, Bataan.
Pinangunahan nina Bataan Provincial Fisheries Officer Harlyn Recabar-Purzuelo at BFAR3 BASIL focal person Al Dimaquibo ang pagsasagawa ng communal stocking sa libo-libong semilya ng tilapia.
Inaasahan ng bureau na magiging malaking tulong ito sa mga mangingisda sa panahon na pwede nang anihin.
Read More: Authorities raid Davao steel plant after alleged radioactive, substandard steel discovery
Ito ay para magsilbing karagdagang kabuhayan ng mga mangingisda sa nabanggit na lugar.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
PHOTO: BFAR CENTRAL LUZON
