Kumakalat na pangunguha umano ng mga bata at dalaga ng puting van, fake news

Pinabulaanan ng San Jose Municipal Police Station sa Batangas ang kumakalat na mga text messages kaugnay sa pangunguna umano ng puti at green van ng mga bata at dalaga.

Sa panayam ng Brigada News FM Batangas kay PMaJ. John Conrad A. Villanueva, Chief of Police ng San Jose MPS, sinabi nitong fake news ang kumakalat na text messages.

Read More:  Three pedestrians injured in Lapu-Lapu hit-and-run

Dagdag pa nito na matagal nang umabot sa kanilang pamunuan ang pekeng impormasyon at muling kumalat ngayon dahil sa papalapit na pasukan.  

Read More:  CAFGU member killed, two soldiers wounded in clash with NPA group in Negros Occidental

Nakalagay sa text na nagmula umano ang mensahe sa pamunuan ng San Jose Police Station na mariin namang nilang itinanggi.

Kaugnay nito ay nagpaalala si Villanueva sa publiko na huwag basta-basta maniwala  sa mga kumakalat na mga text messages.