41 patay matapos masunog ang simbahan sa Egypt

Patay ang tinatayang 41 habang marami ang sugatan matapos sumiklab ang sunog sa isang simbahan sa Egypt.

Ayon sa report, kabilang sa mga nasaawi ay mga bata na kasamang nagsisimba sa Coptic Abu Sifin sa Giza.

Hindi naman agad matukoy ng mga otoridad ang pinagmulan ng sunog bagamat sinasabing nagmula sa electrical ang sunog dahil bago sumiklab ang apoy brownout sa lugar kung saan gumagamit ng generator ang simbahan

Read More:  Container port congestion in Asia may drive freight rates higher through 2027

Sa salaysay ng mga testigo, nasa ikatlo at ikaapat na palapag ang mga tao nang sumiklab ang sunog sa ikalawang palapag

Read More:  Spain’s housing crisis emerges as key issue in snap election

Dahil dito, nagtulakan at kanya kanyang pagpipilit na makalabas sa gusali ang mga tao kaya marami ang nasawi at nasaktan

Agad namang nagpaabot ng pakikiramay sa mga nasawi at nasugatan si Egyptian President Abdel Fattah al-Sisi.