Estado ng malnutrisyon sa mga Pre-schooler at school children sa Sorsogon bumaba – PNC

SORSOGON CITY—Bumaba ang bilang ng mga severely wasted, wasted, underweight at stunted na pre-schoolers o mga batang mababa sa limang taon ang edad.

Ito ang kinumpirma ni Sorsogon Provincial Nutrition Council head Grace Jardin sa panayam ng Brigada News FM kung saan pinagbatayan umano ng nasabing datos ang resulta ng kanilang isinagawang operation timbang plus na sumasaklaw sa peryodo mula Enero hanggang Marso ng kasalukuyang taon.

Read More:  Volunteer work, persistence mark Ilog man’s road to Army commission

Bukod pa rito, sinabi ng opisyal na batay rin sa kanilang nakuhang record mula sa DepEd ay bumaba rin ang estado ng malnutrisyon ng mga school children o mga batang edad anim hanggang labindalawang taong gulang kumpara sa nakalipas na dalawang taon.

Read More:  Fake Pag-IBIG agent arrested in Davao City over ₱1.12-million housing scam

Mababatid na sa nasabing mga peryodo ay hindi nakapagsagawa ng height and weight survey dahil walang face to face classes.

Sa huli sinabi ng opisyal na ang nasabing mga datos ay patunay lamang umano na maganda at epektibo ang mga interbensyong isinasagawa ng PNC.