LEGAZPI CITY – Umabot na sa 4, 800, 021 o 84.53% ang nakapagparehistro sa Philippine Identification System (PHILSYS) sa Philippine Statistics Authority (PSA) sa Bicol region.
Base sa datos ng PSA Bicol, ang lalawigan ng Albay ay mayroon nang narehistro na 892, 718; 444, 406 sa Cam. Norte; 1, 267, 278 sa Camarines Sur, 222, 444 sa Catanduanes, 572, 698 sa Masbate; samantalang 608, 415 naman sa Sorsogon.
Nilinaw ni Vladimir Peraja, hindi pinipilit ang mga taong magparehistro para lang magkaroon ng national identification card.
Mahalaga rin umano ang nasabing card lalo na ang wala pang valid ID ang isang tao upang magamit sa mga transaksiyon.