Bakunado VS COVID-19 sa Camarines Sur umabante ; pero mga IPs kailangan pang kumbinsihin

NAGA CITY- Umabot na sa 1, 327, 138 ang bakunado laban sa COVID-19 sa Camarines Sur base sa huling tala ng Department of Health.

Umabante ito ng kaunti mula sa 1, 324, 589 sa target na mahigit 1.4 milyong indibidwal. Sa ngayon 92.90% na ito ng coverage rate ngunit 973, 803 pa lamang ang fully vaccinated o 80.92% ng target.

Read More:  NIR cities, towns recognized for open governance initiatives

Sa Buhi, tuloy-tuloy din ang bakunahan, hinihikayat rin ang mga mag-aaral na magpabakuna para sa mas ligtas na pagbubukas ng academic year 2022-2023. Bukod sa kanila, pinapalo na rin ng lokal na pamahalaan ng Buhi na palakasin ang kampanya para sa mga Indigenous People (IPs). Ayon kay Mark Nazarea, tagapagsalita ng LGU inirerespeto nila ang kultura ng mga IPs pero nakita rin naman na may mga nagpapabakuna. Sa tingin nina Nazarea, kulang sa impormasyon ukol sa kahalagan ng bakuna hindi lamang sa COVID-19.

Read More:  Radio commentator killed in BARMM shooting