36 na proyektong natapos sa ilalim ng 2021 FALGU, naitala sa region 5 – DILG Bicol

Nakapagtala ang Department of Interior and Local Government (DILG) Bicol ng 36 na mga natapos na proyekto mula sa 90 o katumbas ng 40% sa ilalaim ng 2021 Financial Assistance to Local Government Units (FALGU).

Ayon kay DILG Bicol Project Development and Management Unit (PDMU) Chief Leandro Gigantoca, mayroong karagdagang 11 proyektong naisakatuparan sa ilalim ng FALGU.

Aniya, dalawa sa mga ito ay ipinagkaloob sa Albay, dalawa rin sa Camarines Norte, tatlo (3) sa Camarines Sur, habang apat naman ang naibigay sa Masbate.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Sinabi pa ni Gigantoca, kabilang sa mga proyektong ito ang pagtayo, pagkonkreto, at rehabilitasyon ng mga pampublikong pasilidad at pagbili ng mga sasasakyang makatutulong sa mas mabilis at mas mabisang pagbibigay ng serbisyo publiko at marami pang iba.

Nilinaw din nito na kailangan i-request sa Department of Budget and Management (DBM) ang mga top priority projects ng LGUs, barangay at provincial government upang mabigyan ang mga ito ng pondo o assistance.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Dagdag pa nito na karamihan sa mga inaaprobahang mga proyekto ay yaong may mga malalaking pondo na hindi kaya ng mga LGU, barangay at provincial government.

Samantala, sisikapin naman ng kanilang departamento na makamit ang 100% completion rate bago magtapos ang taong 2022.