Kelsey Merritt at Jared Leto, naispatang magkasama sa Italy

Usap-usapan ngayon ng mga fans na nagdi-date sina Kelsey Merritt at American actor Jared Leto, matapos na umalis ang dalawa para sa isang bakasyon na magkasama sa Sardinia, Italy.

Si Merritt, na kauna-unahang Filipino model na naglakad sa Victoria’s Secret runway, at ang 50-anbyos na “Morbius” star, ay nakitang umaakyat sa rock formation kasama ang kanilang mga kaibigan, batay sa mga lumabas na larawan.

Read More:  Ate Gay, holds ‘living funeral’ with family and friends

Makikita rin sa ibang mga larawan na magkatabi ang dalawa, na tila inaalalayan ni Leto ang model mula sa likuran nito.

Read More:  ‘Machong Chismisan’ Podcast faces backlash over insulting remarks about Kris Aquino’s son Josh

Maliban dito, nakita ring magkatabing nakatayo sa yate ang dalawa.