Fish sufficiency sa Central Luzon, sapat-BFAR

Tiniyak ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR Region 3 na sapat ang supply ng seafoods sa rehiyon.

Ayon kay BFAR Regional Director Willy Cruz, nasa 105 percent ang fish sufficiency sa buong Gitnang Luzon.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Halos malaking bahagi ng national production ng mga lamang dagat ay mula sa rehiyon.

Sa kasalukuyan, nananatili aniyang nangunguna ang Central Luzon sa tilapia production sa buong Pilipinas, pati na rin sa produksyon ng hipon, shellfish, talaba at tahong.

Read More:  Rider killed in suspected riding-in-tandem attack in Cebu

Pumapangalawa naman ang rehiyon sa alimango production habang pang-apat sa bangus.

Dahil dito wala anyang dapat alalahanin ang publiko sa supply ng mga isda at iba pang sea foods hanggang matapos ang taong kasalukuyan.