Hinuli ng awtoridad ang dalawang suspek sa pagdadala ng mga kahoy na wala umanong permit ganap na 11:50 gabi ng Martes, August 2, 2022 sa Barangay Alfonso XIII, Quezon.
Base sa ulat ng Palawan Provincial Police Office, nagsagawa ng pagpapatrolya ang Quezon Police kagabi nang maharang nila ang multicab na may kargang GEMILINA Trees.
Nang hanapan ng permit ay walang naipakita ang mga sakay nito na sina BERNIE ESCOVIDAL MASUCOL, 27 anyos, karpintero at si RONIE MASUCOL y ESCOVIDAL, 19 anyos, estudyante na naharap sa paglabag sa Presidential Decree 705 o Revised Forestry Code.
Tinatayang 21 piraso ng mga kahoy na may 191 board feet ang kinumpiska ng pulisya at aabot ang halaga nito sa P2, 316.
Dinala na sa Quezon MPS ang mga ebidensya, ayon pa sa PPO.