‘Karusa’, nabangga ng bus sa Sofronio Española

Sugatan ang isang magsasaka habang pilay umano ang kalabaw na sinasakyan nito nang mabangga ng pampasaherong bus sa Barangay Panitian, Sofroñio Española, Palawan.

Kinilala ang magsasaka na si Kakis Buto Idlas, 30 anyos na residente ng Barangay.Panitian, Sofroñio Española habang ang drayber ng bus ay si Dexter Owebar Jardeniano.

Read More:  Flooding hits two Barangays in GenSan

Sa ulat ng Palawan Provincial Police Office, papunta sa Barangay Rio Tuba ang bus at nang marating nito ang National Highway ng Barangay Panitian bandang alas-kwatro nitong Lunes, August 1, 2022 ay iniwasan umano nito ang isang dump track na papunta sa kanang bahagi ng kalsada pero hindi daw nito napansin na may ‘karusa’ na hila ng kalabaw sakay ang biktima.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Sa lakas ng pagbangga ay nasira ang karusa at bumagsak sa kalsada si Kakis Idlas na nagtamo ng pinsala sa katawan.