Higit 600 sako ng feeds ibinigay ng DA sa mga magbababoy sa Sta. Cruz

Namahagi ang Department of Agriculture Region 3 ng 675 sako ng feeds sa 225 magbababoy mula sa Sta. Cruz, Zambales.

Ito ay sa ilalim ng Livestock Banner Program ng kagawaran nakalipas na araw ng Myerkules.

Read More:  LTO-7 summons rider who spat on bus driver in Cebu

Bawat magbababoy ay tumanggap ng isang sako ng hog starter pellet at 2 sako ng hog grower pellet.

Bahagi ito ng programang INSPIRE o Integrated National Swine Production Initiatives for Recovery and Expansion.

Read More:  Bacolod’s P6.1B loans frame dispute between political allies

Naglalayong maiangat muli ang sektor ng pagbababoy at matulungang makapagsimula ang mga magbababoy na naapektuhan ng African Swine Fever (ASF).//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

PHOTO: DA Central Luzon