Ilang residente ng Subic, Zambales, pinag-iingat laban sa diarrhea

Pinaiimbistigahan ng Municipal Health Office ang impormasyon na mayroong ilang residente ng Bgy. Asinan Proper at Cawag, Subic, Zambales ang nakaranas ng diarrhea.

Ito makaraang dalhin sa San Marcelino District Hospital ang mga ito para maipagamot at ipinaalam naman ng pagamutan sa local government unit ng Subic.

Read More:  Bacolod’s P6.1B loans frame dispute between political allies

Ayon kay Municipal Health Officer Nadjimin Ngilay, adult ang karamihan sa nakaranas ng pagkasira ng tiyan na ang posibleng dahilan ay ang maruming tubig.

Read More:  Bystanders scramble for cover as exchange of gunfire wounds 4 in Himamaylan City

Dahil dito, pinayuhan ni Ngilay ang mga residente sa mga lugar na ito na pakuluan muna ng ilang minuto ang tubig na nakukuha sa mga bukal, poso at ilog bago inumin o di kaya ay ihalo sa pagkain.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO