PWUDs, nakiisa sa tree-planting activitiy sa Camalig, Albay

LEGAZPI CITY – Nakiisa ang mga Persons Who Used Drugs (PWUDs) sa pagsasagawa ng tree-planting activity sa Municipal Central Materials Recovery Facility (MRF) sa Brgy. Sua, Camalig, Albay.

Ang aktibidad ay naglalayong itanim sa komunidad ang kahalagahan ng mga puno sa pagkuha ng communal, economic, at ecological benefits lalo na sa pangangalaga at preserbasyon ng kapaligiran.

Read More:  Nearly entire church ceiling collapses in Maguindanao del Norte

Sa tulong ng Municipal Agriculture Office (MAO), Municipal Social Welfare & Development Office (MSWDO), Municipal Environment & Natural Resources Office (MENRO), at Camalig Municipal Police Station (MPS), ang nasabing aktibidad ay bahagi rin ng community service initiatives para sa mga PWUD na inilunsad upang i-rehabilitate at muling isama ang mga PWUD sa lipunan.

Read More:  Old school bus sunk off Cebu island to create artificial coral reef

Ang pagsasagawa ng tree-planting activity ay naaayon din sa isa sa mga mandato sa ilalim ng 12-point Executive Agenda partikular na ang pagtataguyod ng isang ligtas at walang droga na Camalig sa pamamagitan ng pagpapatupad ng community-centric interventions.

Sa ngayon, ang munisipyo ay may kabuuang apatnapu’t pitong (47) drug-cleared at tatlong (3) barangay na hindi apektado.