Isang 17-anyos na dalagita ang nailigtas ang kanyang sarili kasama ng kanyang alagang aso sa malawakang flashflood na umabot hanggang sa bubong ng bahay sa eastern Kentucky.
Ayon sa report, naiwan sa kanilang bahay ang teenager na si Chloe Adams nang maganap ang pagbaha kung saan nagawa nitong lumangoy ang dalagita kasama ang kanyang aso patungo sa bubong ng bahay ng kanilang kapitabahay.
Inabot umano ng ilang oras sa bubong ang dalagita bago na-rescue at nakasama ang kanyang pamilya.
Samantala, sa pinakahuling report, umabot sa 27 na mga empleyado ng pinakamalaking health service sa eastern Kentucky ang sinasabing nawawala sa malakihang pagbaha.
Sinabi ni Appalachian Regional Healthcare CEO Hollie Philips na karamihan sa mga missing employees ay nagtatrabaho sa ARH hospital na isa sa pinakamalaking ospital sa Kentucky.
Sa kabila ng pangyayari, tiniyak ni Philips na tuloy ang critical functions ang ARH.
