69% ng mga Pilipino pabor sa pagpapatupad ng ROTC program sa senior high – Pulse Asia

Lumalabas sa Pulse Asia survey na kinomisyon ni Senator Sherwin Gatchalian, na 69 percent umano ng mga Pilipino ay sumusuporta sa pagpapatupad ng Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) Program sa senior high school.

Mula sa 1,200 respondents, 16 percent naman sa mga ito ang disagree at 15 percent ang nagsabing sila ay undecided pa tungkol sa naturang isyu.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Sa  Metro Manila naman, 71 percent ang nagsabing suportado nila ang naturang panukala, 78 percent sa Visayas, 60 percent sa Balance Luzon, at 64 percent sa Mindanao.

Ang naturang survey na isinagawa noong June 24-27, lumalabas rin na suportado ng Classes ABCD ang mandatory ROTC sa 71 percent , habang 54% ang pumabor mula sa Class E.

Read More:  Palace says Dizon cleared, Cayetano not investigated in SEA Games issue

Matatandaan na sa SONA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., hinimok nito ang Kongreso na gawing mandatoty ang pagpapatupad ng ROTC program sa senior high school.