Pagsanla ng cash card posibleng mauwi sa pagkakatanggal sa 4Ps—DSWD Bicol

SORSOGON CITY—Mahigpit na ipinagbabawal ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga 4P’s beneficiaries ang pagsasanla ng kanilang cash card.

Ito ang binigyang-diin ni DSWD Field Office V Pantawid Pamilyang Pilipino Program Division Chief Priscilla Saladaga sa panayam ng Brigada News FM.

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

Ayon dito, ang nasabing aktibidad kasi umano ay itinuturing na paglabag sa mga kondisyon at polisiya ng programa.

Babala nito, puwede itong maging ground o batayan upang ang isang miyembro ay maalis sa programa partikular na kung tatlong beses na itong nairereport at napatunayan na talagang ginagawa niya ito.

Read More:  Kabankalan SP questions proposed festival funds, seeks accounting of past spending

Samantala, sinabi ng opisyal na lahat ng kanilang mga provincial offices ay mayroong mga hotline kung saan puwedeng magsumbong kaugnay sa mga ganitong gawain.#