Isang barangay sa Olongapo idinaan sa community pancit ang pagdiriwang ng fiesta

OLONGAPO-Idinaan na lang ng Barangay Sta Rita, Olongapo ang pagdiriwang ng fiesta sa pamamagitan ng community pancit.

Ito ay para maramdaman ng mga kabarangay ang fiesta kahit dumaranas ng krisis dahil sa corona virus pandemic.

Read More:  Abdulraof Macacua elected first BARMM chief minister

Matatandaan na dati ay mayrong malaking salo-salong  ginagawa ang   barangay para sa mga mamamayan  pero dahil sa mahigpit na health protocols na ipinapatupad  ay minabuti na lang  na magdeliver ng pancit sa mga bahay-bahay.

Read More:  PDEA shuts down suspected drug den in Davao de Oro

Ayon naman sa barangay kapag natapos na ang kalbaryong dulot ng covid-19 ay ibabalik ng barangay ang dating nakaugaliang selebrasyon.//Michelle Lopez-BNFM OLONGAPO

Photo Courtesy: Batang Sta. Rita Ako

May be an image of 2 people, food and bottle