INIHAYAG ng National Disaster Management Authority sa Pakistan na umabot na sa humigit kumulang 6,500 na mga kabahayan sa naturang bansa ang napinsala ng malawakang pagbaha sa lugar.
Dahil sa walang humpay na pagbuhos ng ulan, umapaw na ang mga ilog sa naturang bansa daan upang lamunin ng tubig baha ang mga kabahayan at masira ang mga daan at tulay.
Sa pinakahuling pagtataya, umabot na rin sa 312 ang bilang ng mga nasawi dahil sa naturang pagbaha, habang nasa 284 naman ang kasalukuyang nagpapagamot sa ospital matapos magtamo ng injuries sa iba’t-ibang bahagi ng kanilang katawan.### JDR, BNFM BICOL