Pangangailangan sa suplay ng tubig sa pagbubukas ng klase sa Agosto pinaghahandaan na rin ng Primewater

Pinaghahandaan na rin ngayon ng Primewater ang demand sa pangangailangan sa suplay ng tubig sa mga eskwelahan sa pagbubukas ng klase sa susunod na buwan.

Ayon kay Primewater Branch Manager Mark Anthony Muroda mayroon na silang natanggap na request mula sa iba’t- ibang eskwelahan para sa Brigada Eskwela bilang paghahanda sa opening of classes.

Read More:  Grade 9 student stabbed in youth riot outside Davao City school

Aniya sa mga lugar na sapat naman ang suplay ng tubig ay handa umano silang magsagawa ng rehabilitation work kung walang dumadaloy na tubig sa mga gripo upang kung sakaling may sira ay maayos at magamit ito lalo na ng mga bata.

Read More:  Missing lending collector from Bukidnon found buried in Lanao del Sur pineapple plantation

Sa mga lugar naman na intermittent ang suplay  ay pwede umanong mamigay ang Primewater ng mga container na pwedeng pag imbakan ng tubig o magsasagawa sila ng pagrarasyon nito.

Ito umano ang pwedeng maitulong ng Primewater sa mga eskwelakahn na mayroong problema sa suplay ng tubig.