Brgy. kagawad mulang Sto. Domingo, Albay, muling magsasagawa ng coastal cleanup bukas

LEGAZPI-Matapos magtrending sa social media ang isang barangay kagawad na nagsagawa ng dive and clean ng mag-isa sa karagatang sakop ng bayan ng Sto. Domingo sa Albay, muli siyang magsasagawa ng kaparehong aktibidad sa bukas, araw ng linggo.

Ayon kay Brgy. Kgwd. Jerick “Chopper” Arizala, kung noon ay mag-isa sya, ngayon ay marami na ang gustong sumama at makiisang maglinis sa karagatang sakop ng bayan.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Bukas isasagawa ito alas 7 ng umaga sa Brgy. Pandayan at mismong aprobado ng lokla na pamahalaan ng bayan.

Read More:  Davao Oriental jail unrest leads to warden’s removal

Muli naman itong nanawagan sa mga nais makiisa sa nasabing aktibidad para mapanatiling malinis ang kapaligiran.

Kung matatandaan, nakilala si Arizala matapos mag solo diving at nangolekta ng basura sa coastal waters ng sto. Domingo at kanyang pinasilip sa netizen ang sangkatarbang damit at basurang kanyang nakolekta.