US Ambassador, tiniyak na palalawigin pa ang relasyon sa pagitan ng Amerika at ng Pilipinas

Dumating na sa Pilpinas ang bagong US Ambassador na si MaryKay Carlson.

Sinalubong ito nina dating Chargé d’Affaires ad interim Heather Variava at mga personnel ng US Embassy in the Philippines.

Ipinresenta rin nito ang kanyang credentials sa Department of Foreign Affairs.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Nagkaroon din ng 45-minute meeting sa Malacañang si Carlson kasama si Pangulong Bongbong Marcos.

Ayon sa bagong envoy, makasisiguro ang Philippine Government na mananatili ang kanilang commitment sa pakikipag-partner sa Pilipinas.

Makaaasa umano ng Pilipinas na handang tumulong ang Amerika, at hiling nila ang tagumpay para sa bansa.

Read More:  Tarriela condemns Chinese media’s ‘monkey’ video allegedly depicting the Philippines

Si Carlson ang pumalik sa Sung Kim na nagsilbing envoy mula 2016 hanggang 2020.

Bago ito, una nang nagsilbi si Carlson bilang Deputy Chief of Mission sa U.S. Embassy in Buenos Aires, Argentina.

Naging Deputy Chief of Mission din ito sa New Delhi, India.
#