Tupada ni-raid: dalawa timbog, dalawa pa nakatakas

SORSOGON CITY – Nakorner ang dalawang sabungero nang pasukin ng mga pulis ang isang tupada sa Brgy Calmayon sa bayan ng Juban, Sorsogon.

Kinilala ang naaresto na sina Roy Sarmiento Balbalosa, 43-anyos, may asawa, laborer at Fernan Bermas Olondriz, 30-anyos, may asawa, magsasaka kapwa residente ng Brgy Catanusan, Juban habang ang mga nakatakas ay kinilalang sina Alden Desabayla at Alladin Dador kapwa residente ng Brgy Calmayon ng parehong bayan.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Sa ulat, nilusob ng mga personahe ng Juban Police ang ilegal na sabungan kasunod ng suplong ng isang residente sa lugar.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Nasamsam dito ang isang buhay at dalawang patay na panabong na manok at taya na nagkakahalaga ng P9, 179.00.

Mahaharap ang apat na suspek sa kasong paglabag sa PD 449 o illegal cockfighting.

PHOTOS exclusive for Brigada News FM-Sorsogon