Ukraine First Lady Olena Zelenska hiniling sa US Congress ang karagdagang tulong vs Russia

Pormal nang hiniling ni Ukraine First Lady Olena Zelenska sa US Congress ang karagdagang tulong sa paglaban nila sa Russia.

Sa kanyang tinaguriang “passionate speech” sa Washington, umapela si Zelenska ng mga armas na hindi gagamitin sa giyera kundi gagamitin sa pagtatanggol sa tahanan ng bawat Ukrainian.

Read More:  Pope Leo XIV rests well as he recovers from lung surgery

Ang panawagan ni Zelenska ay kasunod na rin ng pagpapalawak ng Russia sa kanilang mga target areas maliban sa eastern part ng Ukraine.

Read More:  One killed, eight injured in attack on Saudi Arabia’s King Fahd airport

Una nang inihayag ni Russian Foreign Minister Sergei Lavrov na ang kanilang expansion ng target areas ay bilang tugon sa pagsusuplay ng “West” ng longer-range weapons sa Ukraine.