Pulis patay nang sumalpok ang minamanehong motorsiklo at magulungan pa ng dump truck sa Sorsogon

SORSOGON CITY – Nahaharap na sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide ang driver ng dump truck na siyang naging dahilan ng pagkasawi ng isang alagad ng batas kahapon ng umaga, Hulyo 20 sa Brgy Cabid-an, lungsod ng Sorsogon.

Kinilala ang biktima na si PCpl Serafin Elumba Lacdang Jr., 29-anyos, may asawa, naninirahan sa Brgy Cambulaga at miyembro ng Barcelona Municipal Police Station (MPS) habang ang driver ng truck ay nakilalang si Wilfredo Lacsa Bonete, 57-anyos, may asawa at residente ng Brgy. Bucalbucalan ng parehong lungsod.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Sa ulat na natanggap ng Brigada News, parehong direksyon ang binabagtas ng dalawang driver kung saan sinusundan ng motorsiklo ang truck subalit pagdating sa tapat ng Citi Hardware ay bigla itong nag u-turn nang hindi man lang nagbigay ng babala o signal sa kanyang mga nasa likuran kung kaya’t sumalpok dito ang motorsiklong minamaneho ng pulis dahilan para pumailalim at magulungan pa ito ng truck.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Batay umano sa pagsusuri ng doctor, nagulungan ang dibdib ng biktima at nasakal pa ito ng strap ng kanyang knapsack bag na naipit naman ng gulong ng truck.

Ang biktima ay papasok na sa kanyang trabaho sa bayan ng Barcelona nang maganap ang insidente.