Easterlies makaka-apekto sa silangan bahagi ng bansa – PAGASA

Apektado ng easterlies ang silangang bahagi ng bansa.

Ayon sa PAGASA ang CALABARZON,Bicol region, Eastern Visayas, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon, at Aurora ay makakaranas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dulot ng Easterlies.

Read More:  Philippines borrows $1.5 billion from ADB amid Middle East crisis

Posible naman ang mga flash flood o landslide dahil sa katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na pag-ulan.

Read More:  Ridon calls for probe into pro-Duterte, pro-China personalities

Ang Metro Manila at ang nalalabing bahagi ng bansa ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dulot ng Easterlies at Localized Thunderstorms.