Bagong Chief of Hospital ng CNPH itinalaga ni Governor Padilla

CAMARINES NORTE- Itinalaga ni Governor Ricarte “Dong” Padilla si Dr. Liborio Ferrer bilang bagong Chief of Hospital ng Camarines Norte Provincial Hospital (CNPH)

Pormal na inanunsiyo ang appointment ni Dr .Ferrer sa isinagawang Flag Raising Ceremony kahapon ng umaga na dinaluhan ng mga kawani ng ospital.

Ayon sa bagong talagang hepe ng Panlalawigang Paggamutan  magpapatawag siya ng pagpupulong sa mga head ng bawat section at sa iba pang mga empleado sa mga susunod na araw.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Ito umano ay upang mapag usapan at planuhin ang nararapat na gawin para sa ikakagaganda ng ospital.

Hiningi nito ang isang daang porsientong tulong at kooperasyon ng bawat isa.

Nagpasalamat din ito kay Governor Padilla dahil umano sa tiwalang ibinigay sa kaniya na pamunuan ang ospital.

“Gusto ko lang magpasalamat sa ating butihing gobernador sa tiwalang ibinigay niya sa akin para pamunuan ang Provincial Hospital, isa po tong malaking karangalan, marami po ang nagtatanong nung malamang ako na ang bagong namumuno, ano raw gagawin, kaya po sa mga sususnod na araw, sa mga sususnod na linggo, sa mga susunod na buwan patuloy po nating mimitingin ang mga head ng bawat sections, mimitingin natin ang bawat isa para mapag usapan, mapagplanuhan kung ano ang nararapat gawin sa ikagaganda ng ating hospital,” ani Ferrer.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Nananatili naman bilang Provincial Health Officer II  si Dr. Arnel Francisco.