Philippine Women’s football team nasungkit ang unang AFF title

Muling gumawa ng kasaysayan ang Philippine Women’s Football team matapos masungkit ang kauna-unahang Asean Football Federation (AFF) title.

Tinalo ng lady footballers ng bansa na binansagang Filipinas ang Thailand, 3-0 sa harap ng mahigit 8,000 local fans na personal na nanood sa Rizal Memorial Stadium.

Read More:  Organizers aim to sell 50,000 tickets for Alex Eala’s Philippine Exhibition Match

Unang nakapuntos si Jessika Cowart’s sa kanyang header sa 8th minute at agad na sinundan ng goal mula kay Katrina Guillou sa 20′ minute.

Read More:  69 Filipino para athletes gear up for Asian Para Games

Tuluyan naman tinuldukan ng pag-asa ng mga Thai sa pamamagitan ng Sarina Bolden sa 89′ mark ng laban.

Bago ang kampeonato unang sinelyuhan ng Filipinas ang kaun-unahang FIFA World Cup spot nito noong nakaraang buwan.