‘Barangayan Bakunahan’ sa Koronadal, nagpapatuloy

KORONADAL CITY- NAGPAPATULOY hanggang sa ngayon ang vaccination program laban sa Covid-19 ng City Health Office ng Koronadal sa mga malls at barangay.

Ito ang inihayag ni Dr. Vincent Ende, acting city health officer ng Koronadal sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal kung saan sapat ang suplay ng mga bakuna sa lungsod.

Read More:  Woman killed in alleged jealousy-fueled stabbing; Partner arrested

Ayon kay Ende, maliban sa ‘Barangayan Bakunahan’ nagsasagawa rin umano sila ng house-to-house vaccination upang mas mapalapit pa sa publiko ang mga bakuna.

Nilinaw ni Ende na ang naturang mga hakbang ang base sa utos ng Department of Health o DOH upang mapalakas pa ang pamamakuna.

Read More:  Man shot dead while riding motorcycle in Negros Occidental; Three suspects arrested

Dagdag ni Ende na mas marami ang suply ng Pfizer at Johnson vaccine dahilan na ito ngayon ang ginagamit ng kanilang opisina base sa age bracket na inilatag ng mga health authorities sa mga babakunahan laban sa nasabing sakit.