KORONADAL CITY- MAGPAPATUPAD ang Police Regional Office o PRO 12 sa pamumuno ni Regional Director Police Brigadier General Alexander Tagum ng 85-15 deployment scheme sa Soccsksargen alinsunod sa kautusan ni OIC-PNP Police Lt. General Vicente Danao Jr at DILG Secretary Benjamin Abalos Jr.
Layon nito na mapalakas pa ang presensya ng mga kapulisan sa komunidad.
Sa naturang deployment scheme, 85% ng mga police personnel ay idedeploy sa field upang magsagawa ng focused police operation sa pamamagitan ng pagpapatrolya.
Samantala, ang naiwang 15% ay itatalaga naman sa mga headquarters para sa kanilang administrative functions.
Inihayag ni Director Tagum na sa ganitong sistema, masisiguro ang maximum police presence sa mga kalye at community upang masugpo ang anumang kriminalidad.
