Mga balikbayang OFWs at mga guro, hiling na makapagpa booster na sa Naga City

NAGA CITY – Tatanggapin ng vaccination team ng Naga City ang sinumang individual na magpapabakuna kahit hindi mga resedente ng lungsod sa nagpapatuloy na walk-in vaccination na magtatapos sa Hulyo 29 pero sa piling sektor.

Ito ang kasagutan ng City Events Protocol and Public Information Office sa mga nag i-inquire sa page nila hinggil sa ipinapatupad na vaccination activities, ang SM City Naga ang venue.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Kabilang sa mga naghahangad ng mabakunahan ay iyong mga nagbalik-bayang Overseas Filipino Workers o OFWs na kailangan kumpleto ang bakuna bago makabalik sa kanilang pinagta-trabahuhang bansa.

Nandiyan din ang sektor ng edukasyon na kinabibilangan ng mga guro na nagtatanong na rin kung kailan sila puwedeng mabakunahan ng sa 2nd booster shot, bukod pa diyan ang iba pang mga empleyado rin.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Sa ngayon kasi, ang tanging makakapag-avail muna ng 2nd booster shot ay mga nasa priority groups tulad ng mga Immunocompromised Adult, Healthcare workers at mga senior citizens.

Una na ring nabanggit sa Brigada News FM Naga ng mga barangay officials at maging ng vaccination team na kinabibilangan ni Magno Reyes, head ng Barangay Health Emergency Response Task Force na kakaunti ang nagpapa 2nd booster shot mula sa mga nasabing kategoriya.