Albay Gov. Rosal, pinuri ang night market sa Tabaco, City

LEGAZPI-Pinuri ni Albay Governor Noel Rosal ang nagpapatuloy na night market sa lungsod ng Tabaco.

Maliban kasi sa mga gulay, kompleto rin na mabibili dito ang pagkakailangan basta pag pinag-usapan ang pagkain.

Sa kanyang surpresang pag-iikot kahapon, kanyang binisita ang mga nagtitinda ng mga gulay at prutas sa Brgy. Divino Rostro ng nasabing lungsod.

Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon

Ninais din na makita ng gobernador ang kasalukuyang sitwasyon ng pwesto nito.

Ayon pa kay Rosal, malaki umano ang maitutulong nito sa mga mamimili tuwing gabi dahil kung minsan ay wala ng panahon pang makapamili sa umaga dahil sa mga trabaho.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Pinuri din nito ang lokal na pamahalaan sa nasabing bagay dahil malaki din umano ang maitutulong nito sa mga vendors na apektado ng pandemya.