SoCot, maglalagay ng dagdag na Covid-19 treatment center

KORONADAL CITY — DAGDAG na Covid-19 treatment center ang planong itatag ng provincial government ng South Cotabato sa provincial hospital na nasa lungsod ng Koronadal.

Ayon kay South Cotabato Gov. Reynaldo Tamayo Jr. na maglalagay sila ng dagdag na pasilidad sa provincial hospital na mag-aakomoda sa mga pasyenteng kinakailangang ilagay sa intensive care.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Bahagi umano ito ng patuloy na pagpapalapad ng kasalukuyang isolation at treatment wards para sa Covid-19 sa provincial hospital dahil na rin sa patuloy din na pagtaas ng kaso ng Covid-19.

Una nang binuksan sa provincial hospital ang 10-bed isolation ward para sa mga Covid-19 patients ayon na rin sa direktiba ng Department of Health o DOH.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Napag-alaman na nasa 600 na ang active cases ng Covid-19 sa South Cotabato na siyang pinaka-mataas sa buong Rehiyon-12.

Sa kabuuan, umaabot na sa 3, 220 ang kaso ng Covid-19 sa probinsiya kung saan 75 ang namatay habang 2,546 naman ang gumaling.