Pag-isyu ng suggested retail price sa mga school supplies, pinag-aaralan ng DTI

Tinitingnan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang posibilidad na pag-iisyu nila ng suggested retail price o SRP sa mga school supplies, ilang buwan bago muling magsimula ang pasukan.

Sa Laging Handa Public Briefing, ipinunto ni DTI Undersecretary Atty. Ruth Castelo na hindi kasama sa tinatawag na basic commodities ang mga school supplies kung kaya’t hindi nila ito nireregulate.

Read More:  DOTr orders two Manila bus terminals to explain violations

Gayunman, ikinokonsidera nila umano ang paglalabas ng bulletin para sa balik eskwela.

Mababatid na tanging sa basic commodities lamang kagaya ng bigas, canned goods, noodles at iba pa nagbibigay ng SRP ang DTI.

Read More:  Rep. Edgar Erice urges Congress to scrutinize questionable 2027 budget

Sa ngayon ay hindi pa matiyak ng ahensya kung kailan sila muli maglalabas ng updated SRP bulletin para sa basic commodities.