Tourist Police sa Naga City inihahanda para sa Peñafrancia Festival

NAGA CITY – Sumasailalim na ngayon sa proper training and seminar ang mga assigned tourist police ng city government ng Naga bilang paghahanda na rin sa Peñafrancia festival ngayong Setyembre.

Training para sa pagbibigay ng 1st aide sa anumang aksidente at sakuna ang kabilang sa nilalahukan.

Ayon kay Alec Santos, Chief ng Arts Culture and Tourism Office o ACTO, bagamat may kaalaman na sa pagbibigay ng seguridad ang mga pulis na ito kailangan pa rin silang isailalim sa ibang training dahil sa special assignment nila, ang pagiging tourist police.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Santos, sinabi nito na inaasahan nila ang mas maraming deboto at turista ngayong Setyembre lalo pa at ilang taon ding walang malalaking aktibidad dahil nga sa pandemyang dala ng Corona Virus Disease.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Ang mga tourist police na ito ay mas magiging visible sa mga pasyalan o park ng lungsod, sa mga simbahan, commercial establishments at sa mga resorts sa upper barangay ng lungsod.

Matagal ng may tourist police ang lungsod at ngayon lamang ito ginawang opisyal dahil sa inaasahang pagdagsa ng mas maraming deboto at turista nayong Peñafrancia Fiesta.