DBM, pabor sa panukalang downsizing program sa mga government offices

Aminado si Budget Secretary Amenah Pangandaman na wala pa silang natutukoy na mga ahensiya na puwedeng isalang sa panukalang downsizing.

Sinabi ni Pangandaman na aabot sa 187 agencies ang mga ahensiya na isasama nila sa pag-aaral upang matukoy kung puwedeng tanggalin or pagsasamahin na lang.

Read More:  Pangilinan investigates alleged abuse of the Sagip Saka Law

Kinumpirma naman ni Pangandaman na base sa kanilang pagtaya, nasa 5% ng mga empleyado ng gobyerno ang maaapektuhan ng programa o katumbas nito ng P14.8 billion na matitipid ng gobyerno sa personnel services kada taon.

Read More:  VP Sara defense awaits senate ruling on subpoena request

Binigyang diin ng opisyal na target ng gobyerno na tutugon sa sitwasyon nang bansa ang mas maliit na burukrasya.

Matatandaan na una nang ipinanukala na magpatupad ng downsizing program ang pamahalaan sa ilang mga ahensiya ng gobyerno na mistulang redundant na o nadodoble lang ang trabaho(LEO NAVARRO-MALICDEM)
#