Voter’s registration ng COMELEC, hiniling na isagawa sa mga barangay

Sinisikap umano ng Puerto Princesa City COMELEC na ma-accomodate ang mga nais magpa-rehistro para sa barangay & Sk election sa buwan ng Disyembre.

Ito ay sa kabila ng panawagan ng marami na sa mga barangay na lamang isagawa ang satellite registration at huwag na sa mga mall.

Read More:  Authorities raid Davao steel plant after alleged radioactive, substandard steel discovery

Ayon kay Atty. Julius Cuevas, City Comelec Officer in Charge, hindi totoo na nililimitahan sa 150 na tao ang kanilang tinatanggap bawat araw para i-rehistro pero ikinokonsidera nito ang equipment, mga tauhan at kontrata ng oras sa mga mall.

Read More:  Canopy 25 project in Kidapawan reaches 4 million trees planted

Sa kabila nito ay patuloy na hinihikayat ni Atty. Cuevas na samantalahin ng edad 15, 17 at 18 ang voter’s registration na hanggang sa July 23, 2022.