LGU Basud kukunin ang serbisyo ng Tricycle sector sa panahon ng kalamidad

CAMARINES NORTE- Kukunin ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Basud, Camarines Norte ang serbisyo ng tricycle sector sa panahon ng kalamidad.

Kaugnay nito senertipikahang urgent ni Mayor Adrian Davoco ang kaniyang hiling sa Sangguniang Bayan na pumasok sa isang Memorandum of Agreement sa pagitan ng LGU at Basud Camarines Norte Tricycle Operators and Drivers Association (BACAMTODA)  at Basud Riverblock Tricycle Operators and Drivers Association (BARITODA).

Read More:  Drunk man allegedly sets own house on fire in Cebu

Layon ng MOA na hilingin sa mga nabanggit na Toda ang kanilang serbisyo sa panahon ng kalamidad  para magsilbing transportasyon lalo na sa evacuation ng mga tao.

Sa ilalim ng kasunduan babalikatin ng LGU ang gastos sa gasolina at iba pang kakailanganin ng transport group.

Ang LGU rin ang bahala sa pagbibigay sa grupo ng mga kakailanganing supplies  at equipment gayundin ng pagkain o meryenda.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Kukunin ang “cost of services” sa Local Disaster Risk Reduction and Management Fund ng LGU.

Bukod sa Toda nais din ng LGU na makipag- MOA sa isang hardware at Pharmacy sa naturang lokalidad.

Ito ay upang masiguro na may pagkukunan ang LGU ng mga kinakailangang construction supplies at gamot sa panahon ng kalamidad lalo na at papasok na ang panahon ng mga bagyo.