CAMARINES NORTE- Magsisimula na ngayong araw ang pagbabakuna ng COVID- 19 booster shot sa mga batang edad 12- 17 anyos dito sa lalawigan ng Camarines Norte.
At hindi tulad nang pagbabakuna ng primary doses na kinakailangan pang magpalista muna, inihayag ni Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco sa kaniyang maikling mensahe sa Brigada News na kung sinong dumating ay kanilang i- accommodate
Ayon sa Department of Health ang babakunahan ng booster dose ay ang immunecompromised, non- immunocompromised at ang nalalabing populasyon ng mga bata sa naturang age group.
Ang immunocompromised ay babakunahan ng booster dose 28 araw pagkatapos mabakunahan ng second ng primary dose series.
Habang ang non- immunocompromised at nalalabing batang populasyon ay bibigyan ng booster dose 5 buwan pagkatapos ng second dose.
Pfizer- BioNtech ang ibabakunang booster sa 12- 17 anyos.
Marso nitong taon ng simulan sa lalawigan ang pagbabakuna ng primary doses sa pediatric population.
