DSWD, tatanggalin ang halos 1-M “undeserving” benepisyaryo ng 4Ps

Ibinahagi ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo, na halos isang milyong “undeserving” beneficiaries ang tatanggalin sa “Pantawid Pamilyang Pilipino Program” o 4Ps.

Ayon kay Tulfo, 4.4 million ngayon ang tumatanggap ng ayuda sa 4Ps mula sa 15 million na mga Pilipino na nasa below poverty line.

Read More:  Marcoleta transferred to Quezon City Jail after hospital clearance

Dagdag ng kalihim na posibleng sa susunod na buwan (Agusto), ipapatupad ang delisting sa ilang mga benepisyaryo.

Inihayag rin nito, na humihiling siya kay Pangulong Bongbong Marcos na bigyan ang ahensya ng tatlo hanggang limang buwan para linisin ang listahan ng 4Ps beneficiaries.

Read More:  Classes suspended at San Jose National High School in Tacloban

Kaugnay nito, gagawa ang ahensya ng hotline at Facebook page kung saan doon pwedeng magrereklamo ang mga tao para sa mga hindi deserving, pero tumatanggap ng naturang ayuda. //MHEL PACIA