Mga magmamais sa Batangas, nakatanggap ng fuel subsidy

Nakatanggap ng fuel discount mula sa pamahalaan ang mahigit 70 mga magmamais mula sa mga bayan ng Agoncillo at San Nicholas, Batangas.

Ang naturang ayuda ay mula sa Fuel Discount Program for Farmers and Fisherfolk ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A).

Read More:  Barangay captain killed in Negros Oriental shooting

Nagkakahalaga ng 3,000 pesos ang naturang ayuda na nakadeposit sa mga ipinamahaging discount card.

Nilinaw ng DA-4A na ang card ay lamang magamit sa pagbili ng produktong petrolyo.

Ayon sa DA-4A, layunin ng naturang programa na mabigyan ng tulong ang mga magsasaka ng mais sa naturang mga bayan na lubos na apektado ng pagtaas na presyo ng langis.

Read More:  Banakon bite kills 17-year-old student inside store in Davao Oriental

Ang mga benepisyaryong magsasaka ay lehitimong magmamais na rehistrado sa Registry System for Basic Sector in Agriculture (RSBSA).

Sila rin ay napatunayang nagmamay-ari at gumagamit ng makinaryang pangsaka sa pagtatanim ng mais.