BFAR, ilalatag ang mga programa para sa fish production kasabay ng oil price hikes

Ilalatag ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang mga programa kung saan sisiguruhin ang patuloy na fish production sa bansa kasabay ng sunod-sunod na oil price hikes.

Read More:  Employees who resigned or took maternity leave still entitled to proportional 13th month pay — DOLE

Ayon kay BFAR chief information officer Nazzer Briguera, nais nilang gawing self-sufficient ang Pilipinas pagdating sa suplay ng isda.

Kabilang umano sa kanilang programa ang capacity-building program kung saan bibigyan ng mas malalaking bangka ang mga mangigisda.

Read More:  ATOM seeks deeper probe into alleged special treatment of Romualdez

Samantala, inaasahan din na ipaprayoridad ng kasalukuyang administrasyon ang livelihood program at aquaculture development efforts. (ARGIE ERGINA)